Chynna, ipinaliwanag ang dahilan ng kanyang mabilis na pagbaba ng timbang

Nagpaliwanag na ang aktres na si Chynna Ortaleza matapos na ilang ulit na mapansin ng kanyang followers ang kanyang biglaang pamamayat.

Sa kanyang Instagram post ay nag-upload si Cynna ng tinawag nito bilang “honest selfie” kung saan ay inamin niya na meron siyang digestive condition na nagdulot ng biglaang pagbaba sa kanyang timbang.

Tiniyak naman ng 38-anyos na celebrity mom na siya ay nagpapagaling na.

Mababasa sa post ni Cyhnna: “I am 86 lbs as of today. But happy that my gut is recovering and that I am free of joint pains & headaches.”

Dagdag ng aktres: “The past 6 months have tested me. You know the saying, ‘Aim for progress & not perfection?’ Well.. I have to keep repeating this to myself so that I can celebrate my small wins.”

Ipinunto ni Chynna na 23 pounds na ang nababawas sa kanyang timbang nitong nakaraang anim na buwan bilang resulta ng kanyang pag-adjust sa bagong diet na tugon sa kanyang digestive problem.

Ipinaliwanag rin ni Chynna na bago ang pandemya ay nasa 109 pounds ang kanyang timbang, na normal para sa kanya matapos niyang isilang ang kanyang ikalawang anak.

Pero nang tumama ang pandemya, ay kinailangan niya gumawa ng drastic adustments dahil napansin niya na lagi siyang nagkakaroon ng gut problems, nakakaramdam ng acidity, problematic stools, at dull pain sa kanyang tagiliran.

Lumabas naman anya sa kanyang mga pagpapasuri na meron siyang food intolerance sa Gluten, Dairy, Eggs, Corn at iba pa.

Aminado si Chynna na hamon para sa kanya na isuko ang mga nasabing pagkain, ngunit ginawa niya ito para panatilihin healthy ang kanyang pangagatawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *