City Agriculture Office, hinikayat ang mga magsasaka na ipasiguro ang kanilang pananim sa PCIC

Pinayuhan ng Cauayan City Agriculture Office ang mga magsasaka na ipa-insure ang kanilang mga pananiim sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) upang makakuha ng benepisyo sakaling mapinsala ng kalamidad.

Sa nagdaang bagyong Paeng malaki ang iniwan nitong pinsala sa sector ng Agrikultura sa lunsod ng Cauayan.

Ayon kay City Agriculture Officer Engr. Ricardo Alonzo, mahalaga aniya na ang bawat pananim ng mga magsasaka ay naka-insure sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) maging ang mga alagang hayop, palaisdaan at agricultural machineries.

Mainam aniyang naka-insure sa PCIC ang mga nasabing hanap-buhay ng mga magsasaka sa ganoon ay may makukuhang bayad pinsala sa nasabing ahensiya maliban pa sa makukuha sa gobyerno.

Para aniya sa mga interesadong magsasaka na nais magpa-ensure sa PCIC magtungo lang sa tanggapan ng Cauayan City Agriculture Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *