City College of Naga ipinaliwanag ang pagkontra sa namamasadang tricycle

NAGA CITY – Tuluyan ng hindi makaka-pick up ng mga pasaherong estudyante ang mga trimobile sa Almeda Highway sa Naga City lalo na kung gabi matapos na kontrahin ito ng school administration ng City College of Naga sa pamamagitan ni School President Magno Conag Jr.dahil sa pagiging mapagsamantala ng mga ito, napakamahal ng singil kahit pa estudyante.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Conag, sinabi nitong umaabot ng mahigit 100 pesos diumano ang pamasaheng hinihingi ng ilan sa mga trimobile driver kung gabi, sa kanilang estudyante na over-pricing naman at delikado pa ang seguridad ng mga ito, kaya ang mini-van ng Solid Waste Management Office ang nagiging service ng mga estudyante sa gabi at libre pa.

Anya’y napakalaking tulong ng Libreng-Sakay na ito kung gabi ng SWMO dahil sa nakakatipid na ang mga estudyante, ligtas pa ang mga itong makakauwi sa kani-kanilang tahanan, sabi pa ng opisyal.     

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *