City Comelec, pinaalalahanan ang mga tumakbong kandidato na magfile ng kanilang SOCE

Pina-alalahanan ng Commission on Elections (COMELEC) Sorsogon City ang lahat ng mga tumakbong kandidato sa katatapos lamang na Barangay at Sangguniang Kabataan Election kaugnay ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE.

Ayon sa komisyon, panalo man o talo ay kailangan o obligasyon ng kandidato na magfile ng kanyang SOCE bago o sa mismong deadline nito sa November 29.  Isa kasi ito sa pinakang requirement kasabay ng oath of office.

Una rito, inihayag ni DILG Bicol Regional Director Atty. Arnaldo Escober Jr., na anumang oras ay puwedeng i-approach ng mga nananalong kandidato ang mga alkalde o sinumang mga otorisado sa pag-oath-taking para sila ay makapanumpa na sa kondisyon na dala ng mga ito ang kanilang certificate of proclamation patunay na sila ang nanalo at na settle na ang kanilang SOCE.

Ang SOCE ay ang buo, totoo at naka-itemize na lahat ng kontribusyon at paggasta kaugnay ng halalan. Sa ilalim ng Reso. 9991, ang pinapayagang gastusin ng mga independent candidate ay P5 bawat botante habang P3 naman bawat botante sa mga lokal na kandidatong kabilang sa political parties.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *