Local News

City Fire Station, nagbabala sa publiko kaugnay sa mga iniaalok na LPG regulator

Nagbabala sa publiko ang Bureau of Fire Protection sa Puerto Princesa kaugnay sa mga iniaalok na safety device o LPG regulator sa mga tahanan.

Ayon kay SFO1 Mark Anthony Llacuna, hindi sila nagbabahay-bahay upang magsagawa ng ‘demonstration’ tungkol sa umanoy safety device para maiwasan ang sunog o pagsabog ng LPG sa tahanan.

Dagdag ni Llacuna, wala rin silang pinahihintulutan na kompanya o kung sinuman para magsagawa nito sa mga LPG consumer simula noon.

Kaugnay nito, ikinalungkot ng City Fire Station na mayroong nagreklamo sa Brigada makaraang ma-scam ng mga nag-alok ng sinasabing LPG regulator kamakailan subalit hindi ito pinakinabangan ng biktima.

Dahil dito, ipinapayo ng taga-pamatay sunog na magreport sa PNP o sa barangay sakaling maka-engkwentro ng nag-aalok ng ganitong serbisyo upang makatiyak at maiwasan ang scammers.

BNFM Palawan

Recent Posts

Defense analyst – pabor sa desisyong ‘wag lagyan ng water cannons ang PH Ships

'Practical decision' daw ang ginawang posisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi maglagay ang Pilipinas…

11 seconds ago

Apat, patay sa methane gas poisoning sa Nueva Vizcaya

Patay ang apat na indibidwal dahil sa methane gas poisoning sa loob ng isang tunnel…

1 min ago

High profile cases ng hacking sa govt website, na-trace sa Bamban complex

Labis umanong nababahala si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros sa kamakailang impormasyon na kanyang…

1 min ago

DFA – nanindigang walang cabinet-level official ng Marcos admin ang pumasok sa agreement sa China

Muling nanindigan ang Department of Foreign Affairs (DFA) na walang nangyaring kasunduan sa pagitan ng…

4 mins ago

Ilang kongresista sa NFA: siguruhing dekalidad ang bigas sakaling payagang muling magbenta

Pinatitiyak ng mga kongresista sa National Food Authority na mataas ang kalidad ng bigas na…

5 mins ago

Kauna-unahang International Hydroponics Summit isinagawa sa Zambales

Isinagawa sa Zambales ang kauna-unahang International Hydroponics Summit. Ito ay ang pagpapakita ng paraan ng…

5 mins ago