City government ng Olongapo, maniningil ng mas mura para sa mga magpapa-RT PCR test

Maniningil ng mas mababang presyo ang city government ng Olongapo para sa mga pasyente ng James Gordon Memorial Hospital na kailangang isalang sa RT-PCR test.

Ito ay makaraang buksan kahapon ang covid-19 molecular laboratory sa Brgy.Kalaklan na inumpisahang itayo noon pang nakaraang taon.

Ayon kay Mayor Lenj Paulino, limangdaang piso ang kailangang bayaran ng pasyenteng miyembro ng Philippine Health Insurance Corp o PHILHEALTH habang 2,700 pesos naman sa mga walang PHILHEALTH.

Higit na mas mababa ang presyo nito kung ikukumpara sa 2,800 na RT-PCR test na karaniwang sinisingil sa ibang mga testing facility.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Olongapo City Information Center

May be an image of 1 person, standing and text that says 'Power Cells in Salabat Herbal Mix Ginger Brew SHOP NOW! Lazada Iwas Sakit, Stay Healthy! 이 Simple Reminder Wear Face Mask Wash/Sanitize Hands Social Distancing Û. www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *