City government ng Sorsogon, aminadong hindi pa kayang ipatupad sa ngayon ang e-BPLS na mandato ng DICT

Aminado ang lokal na Pamahalaang Lungsod ng Sorsogon na sa kasalukuyan ay tinatarget pa lang nila na maipatupad ang Electronic Business Processing and Licensing System o e-BPLS na mandato sa ilalim ng e-Governance sa pangangasiwa naman ng Department of Information and Communication Technology (DICT) Sorsogon.

Ayon sa City Government hindi pa naka-electronic ang kanilang filing at application system kung saan tanging ang payment section pa lamang nito ang maaaring ma-access sa pamamagitan ng online o ang tinatawag na Electronic Transaction System o ETRACS.

Dagdag pa nito, kanila lamang masisimulan na ipatupad ang e-BPLS  kapag natapos na ang lahat ng system magmula sa Filing, Aplication, Payment at iba pa na kanilang sinisikap na matapos sa unang kwarter ng taong 2023.

Sa ngayon ay puspusan naman ang pagsasanay ng iba’t ibang LGU sa lalawigan para sa implimentasyon ng e-BPLS kung saan nauna nang sinabi ng DICT na pinaka layunin nito ay mabigyan ng dekalidad na serbisyo ang bawat mamamayan sa kanilang mga transaksyon sa munisipyo gamit ang tekonolohiya at online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *