KORONADAL CITY — TATAGAL hanggang Mayo 24 ang work-from-home scheme o alternative work arrangement ng mga empleyado sa city hall ng Koronadal.
Bahagi ito ng safety measures na ipinatutupad ng city government sa city hall matapos ilang empleyado na ang nag-positibo sa Covid-19 at dalawa na ang namatay.
Sa kabila ng reduced workforce sa city hall sa 50%, pinasiguro naman ng city government na hindi mako-kompromiso ang pagbibigay ng basic services sa mga residente.
Mananatili namang on call at required na pumasok ang mga empleyadong naka-work from home kung kinakailangan.
Pinagbabawalan din ang nasabing mga empleyado na pumunta sa mga malls, bumiyahe ng out-of-town o lumabas sa kanilang bahay sa loob ng office hours mula alas-8 hanggang alas-5 ng hapon.
Upang masiguro namang ligtas ang isang empleyado na bumalik sa trabaho sakaling sumailalim ito sa quarantine, kinakailangan nitong kumuha ng certificate sa City Health Office bago makabalik sa trabaho.
