City health officer ng Koronadal, nag-positibo sa Covid-19

KORONADAL CITY — NAGPOSITIBO sa Covid-19 si Koronadal City Health Officer Dr. Edito Vego.

Ito mismo ang kinumperma ng opisyal sa panayam ng Brigada News FM Koronadal.

Ayon kay Vego, posibleng nahawa ito sa kanyang secretary na unang nag-positibo sa nasabing sakit.

Sinabi nito na noong nakaraang linggo ito unang nakaranas ng mga sintomas ng Covid-19 kagaya na lamang ng ubo, sipon at lagnat dahilan upang agad itong sumailalim sa antigen test at RT-PCR test kung saan pawang positibo ang mga naging resulta.

Mga mild symptoms lamang umano ng Covid-19 ang nararanasan nito at nananatili ngayon sa isolation center.

Kagaya ng ibang Covid-19 patients, sasailalim din umano ito sa 14 na araw na quarantine period.

Maliban umano sa kanya, tatlong iba pang kasamahan nito sa City Health Office ang nag-positibo sa Covid-19.

Sa kabila nito, pinasiguro ng opisyal na tuloy ang operasyon ng kanilang tanggapan sa pamamagitan ni Dr. Stephen Mortera, ang itinalaga nito bilang officer-in-charge.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *