City IATF nagbigay babala sa mga establisyemento na hindi tumatalima sa ipinatutupad na EO; pagkasarado ng isang eatery, warning sa mga negosyante

SORSOGON CITY – Umaasa si SK3 (Seguridad Kaayusan Katranquilohan Kauswagan) head Arnel Anchinges na magsisilbing warning para sa lahat ng mga establisyemento sa lungsod ng Sorsogon ang pagkakapasara sa isang food establishment sa Brgy. Buhatan nitong nakatalikod na linggo dahil sa hindi pagsunod sa health and safety protocols na nakapaloob sa E.O NO. 34 – 2021 ng City Government.

Sa pahayag ng opisyal, sinabi nito na bilang bahagi ng local inter agency task force ay sisiguruhin nilang lahat ng mga lalabag ay mapapatawan ng kaukulang penalidad kung kaya apela nito sa mga business owners sa lungsod na sumunod  sa mga ipinatutupad na panuntunan upang hindi maabala ang hanap buhay o pinagkakakitaan.

Payo pa ng opisyal, huwag pairalin ang pagmamatigas sa batas at sa halip ay makipagtulungan na lamang sa LGU lalo pa at lahat naman umano ng mga ginagawang hakbang at paghihigpit ng lokal na pamahalaan ay para naman sa kapakanan ng publiko.

PHOTO: SK3

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *