Magtatayo ng karagdagang treatment facility sa sanitary landfill ng syudad ang City LGU ngayong taon.
Ito ang kinumpirma ni City Environment and Natural Resources Office o CENRO Supervising Environmental Management Especialist Engr. France Luigi Lugena sa pakikipagpanayam ng Brigada News FM.
Ayon dito, ang planong pagtatayo ng karagdagang dalawa pang Leachate filter ay nakapaloob sa kanilang isinumiteng action plan sa Department of Environment and Natural Resources o DENR.
Hakbang upang matiyak na talagang masasala ng mabuti ang mga katas ng basura na nasa pasilidad partikular na kapag umuulan at hindi na mapollute pa ang mga water source na malapit sa landfill. Bahagi din umano ito ng pagsasaayos at improvement sa operasyon ng nasabing pasilidad.
