Local News

1st City Media Day nilunsad ng LGU Legazpi

LEGAZPI-Nagpapatuloy ngayon ang sinasawagang Media Day Celebration na binuo at pinangunahan ng lokal na gobyerno ng lungsod ng Legazpi sa isang mall sa lungsod.

Ayon kay City Councilor Diego Obido, Committee Chairman ng Public Information, ito ang kauna-unahang paglulunsad ng City Media Day para sa mga broadcaster o media mapa print, TV Radio at Internet TV para sa Legazpi at aasahan ang higit sa 100 na partisipantes.

Aniya, parte umano ito ng pasasalamat sa mga media na malaki ang naitulong sa larangan ng pagbabalita ngayong pandemya.

Sa nasabing aktibidad, mayroong mga guest speakers na inimbitahan para muling balikan ang role ng media sa komunidad.

Maliban pa dito, aabot sa 8 na mga media personality ang bibigyan ng pagkilala bilang pinakamatagal na sa industriya.

Samantalang, bago paman an aktibidad, siniguro ng LGU sa pangunguna ni Mayor Noel Rosal na masusunod ang minimum health protocols tulad ng 1 meter social distancing, pagsusuot ng Facemask at face shield ng mga dadalo para maproteksyunan sa nakakahawang sakit.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

10 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

10 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

10 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

10 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

10 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

10 hours ago