Local News

City of Ilagan Medical Center, pormal nang binuksan ngayong araw

Pormal nang binuksan ngayong araw ang City of Ilagan Medical Center (CIMC) sa Barangay Lullutan, City of Ilagan kasabay ng selebrasyon ng ika-siyam na Cityhood Anniversary ng lunsod.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Mr. Paul Bacungan, ang public information officer ng LGU-Ilagan City, nasa 150 bed capacity 2nd level classification ng DOH ang CIMC.

Aniya, mayroon nang 40 full time nurses at doctors ang hospital kung saan magsisilbing CIMC Director si Dra. Herbie Barios.

Kumpleto na rin umano ang bed, electric fan, aircon at iba pang gamitan ang hospital tanging ang License to Operate na lamang mula sa DOH ang hinihintay ngunit maari nang tumanggap ang hospital ng mga emergency cases.

Habang ang mga biniling ibang hospital equipment ay hindi pa dumarating dahil galing pa umano ito sa ibang bansa.

Dagdag pa ni Mr. Bacungan, sa oras na maging fully operational na ang CIMC ay handa umano silang tumanggap ng mga covid patients na nasa kritikal ang kondisyon.

Magugunita na ginawa nang isolation unit para sa mga mild at moderate cases ng covid-19 ang 3rd floor ng CIMC nang magkaroon ng surge ng kaso noong March, 2021.

BNFM Cauayan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

17 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

17 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

17 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

17 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

17 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

17 hours ago