City Tourism Office, nagpaalala sa mga turistang bumibisita sa lunsod kaugnay ng tumitinding init ng panahon

LEGAZPI CITY – Nagbigay-paalala ang Legazpi City Tourism Office sa mga turistang bumibisita sa lungsod ngayong sobrang init ng panahon.

Dahil kilala ang Legazpi bilang ATV Capital of the Philippines, maraming mga turista ang dumarayo rito upang makapamasyal at masilayan ang ganda ng nasabing lunsod, kaya naman laging nakaabang ang nasabing tanggapan upang paalalahanan ang mga ito dahil sa tumitinding init sa lugar.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Cristina Agapita Pacres, tourism officer, sinabi nitong nagbibigay sila ng warning sa mga turista tungkol sa mga oras na mas magandang mamasyal sa lugar.

Nagpaalala rin ang Legazpi City Disaster Risk Reduction & Management – DRRM Office na limitahan ang paglabas ng bahay lalo na kung sobrang init ng panahon.

Matatandaan, kahapon ay umabot sa 50°C ang heat index ng Legazpi City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *