City traffic nagpaalala sa paggamit ng tamang helmet

KORONADAL CITY- NILINAW ngayon ng pamunuan ng City Traffic Management Office o CTMO-Koronadal na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit o pagsuot ng bicycle helmet at construction helmet sa pagmamaniho ng motorsiklo.

Ito ang inihayag ni Joy Placer, hepe ng CTMO-Koronadal sa panayam ng Brigada News FM Koronadal matapos na ilan sa kanilang mahuhuli ang mga nagsusuot ng nasabing mga helmet sa kabila ng implementasyon ng No Helmet No Travel Policy sa lungsod.

Ayon kay Placer, kailangan may Philippine Standard (PS-mark) at Import Commodity Clearance (ICC) Sticker ang mga protective helmet na ginagamit ng mga driver at pasahero upang masiguro na makapagbibigay ito ng kaligtasan sa oras ng disgrasya at nakapasa sa pagsusuri ng Department of Trade and Industry o DTI.

Dagdag pa ni Placer, na hindi angkop na gamitin ang bicycle helmet at construction helmet sa pagmamahino ng motor at hindi ang mga ito aprubado base sa sinusunod na batas trapiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *