City Vet ng Koronadal napapaalala sa publiko hinggil sa bird flu; Koronadal nanatiling bird flu free

KORONADAL CITY- PATULOY parin ang pagpapaalala ng City Veterinary Office sa publiko na iwasan ang pagpapasok ng mga poultry products and poultry animal sa lungsod mula sa mga bird flu infected areas.

Ito ang inihayag ni Dr. Charlemagne Calo, city veterinarian ng lungsod ng Koronadal sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Ayon kay Calo, na kailangan mapanatili ng lungsod ang estado nito bilang bird flu free upang hindi maapektuhan ang supply ng poultry animals at poultry products.

Dagdag pa ni Calo na patuloy ang kanilang ginagawang pagpapahigpit sa mga animal quarantine checkpoint papasok sa lungsod.

Napag-alaman na ang probinsya ng South Cotabato ay dineklarang bird flu free ng Department of Agriculture o DA-12

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *