City vet, umaasang ibababa na ang ordinansang may kinalaman sa responsableng pag-aalaga ng hayop bago matapos ang taon o sa 2023

LEGAZPI CITY – Umaasa ngayon ang Legazpi City Veterinary Office na bago magtapos ang taong ito o sa susunod na taon ay maibababa na ang Responsible Pet Ownership ordinance sa mga barangay sa lunsod.

Ayon kay Dr. Emmanuel Estipona, head ng nasabing opisina, sa ilalim nito ay magiging kabilang na ang mga barangay officials upang maiwasan na ang mga aksidente sa kalsada dulot ng mga gumagalang aso at upang mabawasan na rin ang rabies cases.

Sa nabanggit na ordinansa ay magsasagawa rin ng Barangay Responsible Owners of Dogs Enforcement Team (BRODET) kung saan kabilang dito ang mga non-elected officials katulad ng mga tanod, BHW, purok presidents.

Maliban pa rito ay ilalagay din ng Civil Society Organization (CSO) kung saan sila ang aatasan sa pag-isyu ng mga citation tickets sa mga barangay.

Kinakailangan na umanong ibaba sa mga barangay ang pagkokontrol ng mga gumagalang aso at rabies upang magkaroon din ng development.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *