Class at work suspension sa Albay dulot ng masamang panahon, lifted na ayon sa PDRRMC

Balik na sa klase ang mga mag-aaral sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa lalawigan ng Albay matapos i-lift ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang class suspension dahil sa naranasang sama ng panahon.

Sa inilabas na abiso mula sa PDRRMC ng pamahalaang panlalawigan na pirmado ni Gov. Grex Lagman, nakasaad na inililift na nito ang suspensyon dahil bumubuti na umano ang kondisyon ng panahon.

Samantala, sa ngayon, kahit pa balik-pasok na ang mga mag-aaral, kapansin-pansin at nararanasan pa rin ang malakas na pag-ulan sa lalawigan.

Patuloy pa rin ang paalala ng pamahalaan sa publiko na maging alerto sa lahat ng oras at iwasan ang pagpunta at pagtatawid sa mga ilog upang maiwasan ang anumang hindi inaasahang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *