Classrooms na naging isolation facility malaking hamon pa sa CamHigh

NAGA CITY – Malaking hamon pa para sa Camarines Sur National High School sa Naga City ang mga gagamiting classroom ngayong pasukan.

Inaasahan kasi ng naturang paaralan na sa pagkasimula mismo ng pasukan sa Aug 22, 2022 magagamit ang mga silid.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Sulpicio Alferez, Principal ng paaralan, sinabi nitong may mga dapat pang ayusin , linisin at matiyak na ligtas, lalo na sa Annex ng Cam High na nasa Brgy. Liboton, kung saan mas marami ang magiging volume ng mga mag-aaral dahil doon papasok ang mga grade 7-9, at grade 11-12 kumara sa main.

Samantala, hindi pa abot ng paaralan ang inaasahang 12K na mga enrollees. Ang bagay na ito ay ayos lang sa pamunuan ng paaralan, ito rin kasi ang isa sa mga layunin ng LGU Naga sa pagpapatayo ng mga paaralang pang sekondarya sa mga barangay. Upang mas maging magaan sa CamHigh at hindi gaano bumigat ang daloy ng trapiko sa Barangay Peñafrancia.

Leave a Reply

Your email address will not be published.