‘Thank you so much!’
Ikinatuwa ni Claudine Barretto ang pagbansag sa kanya bilang Queen of Gratefulness.
Ito’y matapos mag-viral sa iba’t ibang social media platforms ang kanyang compiled videos na nagpapasalamat sa kanyang mga natanggap ng regalo.
Ginaya kasi ng mga netizens at Gen Z ang kanyang iconic na “Thank you so much!” kung saan humihinto siya ng ilang segundo bago tuluyang magpasalamat.
Aniya, hindi niya inaasahan na magba-viral ang kanyang mga video.
Thankful din siya sa pagbibigay ng titulo sa kanya na ‘Queen of Gratefulness dahil aniya, wala namang masama sa pagiging grateful.