Claudine Barretto, diretsahang sinabing ayaw maka-trabaho si Angelu De Leon

Ibinulgar ni Claudine Barretto ang kanyang hinaing sa dati nitong co-star na si Angelu De Leon.

Sa 20th wedding anniversary ni Gladys Reyes at ng mister niyang si Christopher Roxas, pinagusapan ng dalawa ang posibleng reunion movie nila kasama si Angelu at Judy Ann Santos.

Saad nito, ima-manifest nila ang pelikula “with Juday!”

Ngunit nang iklaro ni Gladys na kasama si Angelu sa pina-planong movie, sinabi nitong No, no, no. Ikaw lang, ako, at si Juday. Walang Angelu.”

Buti na lang, wala na si Angelu nang sabihin ni Claudine ang kanyang hinaing sa stage.

Dumating kasi si Claudine sa party nang naka-alis na si Angelu.

Matagal nang may tampuhan ang dalawa, at maalalang nagsama na sila sa teen-oriented show noon ng ABS-CBN na Ang TV.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *