CLEARING OPERATION SA PINANGYARIHAN NG ENGKWENTRO SA PAGITAN NG NPA AT MILITAR, NAGPAPATULOY

Nagpapatuloy ang isinasagawang clearing operation ng 501st Infantry Brigade sa pinangyarihan ng sagupaan sa Biguc, Brgy Alucao, Santa Teresita, Cagayan kahapon, May 3, 2023.

Una nang kinumpirma ng 5th Infantry Division, Philippine Army na mayroong dalawang miyembro ng NPA ang nasawi sa naturang labanan kung saan ang isa ay kinilalang si alyas Morga at isa umanong estudyante sa isang Unibersidad sa kalakhang Maynila.

Napag-alaman pa na tumagal n isang oras ang sagupaan ng military at humigit kumulang dalawampung miyembro ng KomProb Cagayan at KomProb Isabela, Komiteng Rehiyon – Cagayan Valley (KR-CV).

Tumakas umano ang mga ito patungong Timog-Silangang direksyon at iniwan ang kanilang kasamahang nasawi.

Narekober mula sa pinangyarihan ng sagupaan ang 2dalawang R4 riflez, tig-isang M16 at M653 rifle, 5 magazine ng M16, 122 na 5.56mm ammunition at iba pang kagamitan at mga armas.

Ipinunto naman ni Col Ferdinand Melchor Dela Cruz, ang Brigade Commander ng 501st Bde ang papel ng bawat resident sa pagsawata sa mga miyembro ng kilusan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *