Clinical trial ng Covid-19 vaccine para sa mga buntis, sinimulan na sa Amerika

Sinimulan na ng U.S. National Institutes of Health (NIH) ang clinical trial ng bakuna kontra COVID-19 para sa mga buntis.

Kabilang sa trial ang 750 mga buntis at 250 mga bagong panganak na babae na nakatanggap na ng COVID vaccine sa Amerika.

Ayon kay National Institute of Allergy and Infectious Diseases Director (NIAID) Dr Anthony Fauci, makakatulong ang resulta ng nasabing trial kung totoong ligtas na magpabakuna kontra covid-19 ang mga buntis.

Mababatid na marami nang buntis ang nakatanggap ng bakuna sa Amerika simula nang mag-umpisa doon ang inoculation program.

Samantala, pag-aaralan rin ng US-NIH kung ang proteksyon ng bakuna ay maipapasa sa sanggol sa pamamagitan ng breast milk o placenta.

Mababatid na nauna nang lumabas sa isang pag-aaral sa Israel nitong Pebrero na nakitaan ng antibodies ang 20 buntis na tinurukan ng Pfizer/BioNTech vaccine sa ikaltong trimester ng pagbubuntis pati na sa bagong panganak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *