Clinical trial ng Ivermectin sa bansa, ‘di na itutuloy

Tuluyan nang ititigil ng Pilipinas ang mga isinasagawang clinical trials para sa Ivermectin – isang uri ng oral medication para sa parasitic infections na pinaniwalaan noong makatutulong sa panggagamot ng COVID-19.

Ayon kay Deparment of Science and Technology Sec. Fortunato dela Peña, matapos ang naging rekumendasyon ng Department of Health ay pormal idi-discontinue ng PCHRD (Philippine Council for Health Research and Development) Governing Council ang pag-aaral para rito.

Ibig-sabihin, wala nang isasagawang evaluation para sa efficacy at kaligtasan ng paggamit ng Ivermectin.

Matatandaang 2021 nang umpisahan ngn PCHRD ang analysis sa gamot.

Una nang nilinaw ng US-FDA na hindi nito inaprubahan ang paggamit ng Ivermectin bilang treatment ng COVID-19.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *