Clinical trials para sa Ivermectin, itinakda na sa katapusan ng Mayo – DOST

Plano ng mga researchers na sa katapusan ng Mayo simulan ang clinical trials sa anti-parasitic drug na Ivermectin bilang posibleng gamot sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Jaime Montoya, executive director ng Philippine Council for Health Research Development sa DOST, basta’t mabilis ang pagkuha ng mga pasyenteng makikiisa sa trials, posibleng lalabas ang resulata matapos ang anim na buwan. Bago ang pag-aaral, kailangan muna ng researchers ng approval mula sa iba’t-ibang government bodies gaya ng Food and Drug Administration, ethics board, at iba pa.

Aniya, bibigyan ng consent forms ang mga pasyenteng sasali sa clinical trials. Sa oras aniya na magkaroon ng adverse side effects ang pasyente sa trial period, mayroon itong makukuhang indemnity claims, at gagamutin ang pasyente kung ano man ang mangyari rito.

Mababatid na nitong Lunes, inanunsyo ni Science and Technology Secretary Fortunato dela Peña na magsasagawa ng clinical trials ang Pilipinas para i-assess kung pwedeng magamit panggamot laban sa COVID-19 ang ivermectin.

Pangungunahan ang study ni Dr. Aileen Wang sa Philippine General Hospital quarantine center.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *