Clippers abanse na sa West semis, tinalo ang Dallas sa Game 7

Nagtala ng 50 combined points ang superstar duo ng Los Angeles Clippers na sina Kawhi Leonard at Paul George para igiya ang koponan sa tagumpay kontra Dallas Mavericks at tuluyang maka-abanse sa Western Conference semifinal sa nagpapatuloy na NBA playoffs.

Uminit din si Marcus Morris mula sa tres na nagpakawala ng 7 3-pointers at kumamada ng 23 puntos sa kabuoan.

Ito na ang ikalawang sunod na season kung saan natalo ang Dallas sa Clippers sa playoffs.

Sa kabila ng ipinamalas na 46 points, 14 assists performance ni Luka Doncic bigo pa rin ang Mavericks na madepensahan ang mainit na shooting ng LA.

Ang panalo ng Clippers ang nagkumpleto sa second round ng NBA playoffs kung saan makakaharap nito semis ang naghihintay nang Utah Jazz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *