Close family ties at maliit na populasyon, dahilan ng pagiging drug free municipality ng Sta Magdalena

SORSOGON CITY – Nilinaw ng lokal na pamahalaan ng Sta. Magdalena na malaking salik na nakakaapekto sa pagiging drug cleared municipality ng kanilang bayan ay ang pagkakaroon nila ng maliit na populasyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Mayor Eduardo Lozano, sinabi nito na maliban sa maliit na populasyon sa bayan na halos 20,000 households lamang ay halos lahat ay magkakilala.

 Nakatulong din ang pagkakaroon ng close family ties upang magdalawang-isip ang mga dayo na manatili at makipag-transakyon sa kanilang bayan lalo na kung usapin sa ilegal na droga.

Base kasi sa monitoring nila sa bawat Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) hindi normal para sa mga mamamayan na mayroong gumagalang dayuhan na hindi naman mukhang turista na agad natututukan ng barangay kung kaya’t marahil dahilan ito upang mahirapan ang mga drug dealers na makahanap ng mga target sa kanilang bayan.

Naniniwala ang opisyal na ito ang kailangan ng bawat LGU sa lalawigan lalo na sa mga malalaking barangay na halos iba’t ibang tao ang nakikita at walang pakialamanan sa kani-kanilang transaksyon na nagbubukas ng pagkakataon sa mga ‘tulak’ na makahanap ng mabibiktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *