CAMARINES NORTE – Nakiisa ang pamunuan ng Camarines Norte Provincial Hospital sa pagdiriwang ng World Patient Safety Day.
Ipinagdirriwang ito taon- taon tuwing September 17 at sinimulan ito ng CNPH sa pamamagitan ng isang forum na ginanap sa Outpatient Department.
May mga nakalinya pang aktibidad sa CNPH ngayong linggo tulad ng photography at slogan making contest, quiz bee at iba pa.
Kahapon sa flag raising ceremony ipinaalala ng pamunuan ng ospital sa mga empleado nito ang kahalagahan ng ginagawang selebrasyon na may temang “Engaging patients for patient safety” na naka angkla sa slogan na Elevate the voice of patients!”
Kabilang umano sa mga stratehiya ay promotion of culture of safety, assessment of nature and scale adversement training and capacity building of health workers, preventing and controlling healthcare associated infections at iba pa.
Para maka- engage ang mga psyente at ang kanilang pamilya ay mahalaga umanong ma- increase ang kanilang health literacy, i- promote ang proactive reporting system, safety culture, makalikha ng environment of non- blaming culture at ma- improve ang communication at active participation ng bawat pasyente at ng kanilang pamilya.
Ayon sa World Health Organization, may mga ebedensiya na nagpapakita na kapag itrinato ang mga pasyente bilang partner sa pangangalaga sa kanilang kalusugan ay magkakaroon ito ng magandang outcome.
Sa pamamagitan ng pagiging aktibong miyembro ng health care team, ay makaka- contribute ang pasyente para sa kanilang kaligtasan at sa health care system sa pangkalahatan.
