CNPH  walang naitalang fireworks related injury sa unang araw ng monitoring sa paputok

CAMARINES NORTE- Walang naitalang fireworks related injury ang Provincial Health Office partikular ang sentinel site na Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) sa unang araw ng monitoring sa paputok na nagsimula noong Disyembre 21.

Batay ito sa impormasyon mula sa Health Emergency Management Staff (HEMS)  ng naturang ospital as of 5: 30 am, December 22.

Ayon dito walang nagpakunsulta o na- admit na may kinalaman sa paputok.

Hangad naman ng PHO at ng Department of Health na walang madisgrasya sa paputok sa pagdiriwang ng pasko at pagsalubong sa bagong taon.

Noong 2019 nakapagtala ang lalawigan ng 14 na fireworks related injuries, isang kaso noong 2020 at dalawa naman noong 2021.

Tatagal ang monitoring sa paputok hanggang Enero 5 at hanggang 25 sa tetanus cases.

Maliban naman sa iwas paputok ay ikinakampanya rin ng DOH at PHO ang isang “healthy pilipinas” sa pagdiriwang ng holiday season.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *