CNPPO nagbigay babala sa mga may-ari ng establisimyento na mag-ingat sa magnanakaw ngayong panahon ng kapaskuhan

CAMARINES NORTE- Nagbigay ng babala ang Camarines Norte Provincial Police office sa pamamagitan ni Provincial Director PCOL Julius Guadamor na mag-ingat ang lahat sa posibleng paglaganap ng mga magnanakat at mapgsamntala ngayong nalalapit na ang kapaskuhan

Ito’y matapos maganap ang panloloob ng hanggang sa ngayo’y hindi pa nakikilalang mga suspek sa Emerald Hardware sa bayan ng Daet nitong nakatalikod na linggo

Ayon sa naturang opisyal, ang bawat may-ari ng mga establisimyo ay dapat maging mapanuri at huwag bigyan ng pagkakataon ang mga magnanakaw na sila ay malooban o manakawan

Payo ng opisyal sa lahat maging ang mga nasa tahanan na makabubuti ang tripleng pag-ingat at maging mapagmatyag sa mga kahina-hinalang kilos lalo na sa mga taong dayo o mga bagong mukha sa kanilang lugar

Nakiusap din ang mga kapulisan na ireport o ipaabot agad sa kanilang himpilan ang anumang insidente upang agad na makapagresponde at madakip ang mga taong sangkot.

Leave a Reply

Your email address will not be published.