COA, handang gamitin ang subpoena powers para ma-audit ang COVID vaxx procurement

Inihayag ng Commission on Audit (COA) na handa silang gamitin ang kanilang subpoena powers para mapilit ang mga kinauukulang mga ahensya ng gobyerno na ibunyag ang mga impormasyon kaugnay sa halaga na ginamit para sa vaccine procurement program ng pamahalaan sa pagsisimula ng COVID-19 pandemic.

Ito’y matapos mausisa ni Senator Francis “Chiz” Escudero kung nagsagawa na ang COA ng audit kaugnay sa pagbili ng mga COVID-19 vaccines noong late 2020 hanggang early 2021.

Pagpuna pa ni Escudero, na panay ang reklamo sa confidential funds, pero talo pa ang naturang procurement ng confidential funds, na wala man lang accounting at liquidation.

Dahil dito, sinabi ni Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara, na siyang sponsored sa COA budget, na plano ng commission na igiit ang kanilang legal right sa ilalim ng Konstitusyon.

Kaugnay nito, binigyang diin naman ni Escudero na naniniwala siyang panahon na magamit ang naturang kapangyarihan ng COA, dahil mahigit isang taon nang nananatiling palaisipan ang pagbili ng COVID vaccines. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *