COA, pinuna ang P9.48-B ‘questionable assets’ ng Davao city govt

Pinuna ng mga state auditors ang lokal na pamahalaan ng Davao City dahil sa kuwestiyunableng existence ng mga assets na nagkakahalaga sa P9.48 billion, batay sa 2020 audit report.

Kaugnay nito, nagbigay ang Commission on Audit ng “qualified opinion” kaugnay sa financial statements ng lokal na pamahalaan.

Ibig sabihin, na bagama’t patas na iprenesenta ng Davao City government ang kanilang financial reports, binigyang diin ng auditor na bigo silang magbigay ng sapat na disclosures para sa kanilang property, plan, at equipment accounts.

Nakasaad rin sa report na P9.48 billion, o 40.10% sa P23.66 billion total assets na naitala as of end-December ay hindi natutukoy ang validity, correctness, at existence dahil sa kawalan ng actual count.

Ayon sa COA, bigo rin ang local government na magsumite ng Report on the Physical Count of Property, Plant and Equipment o RPCPPE dahil sa COVID-19 community quarantine restrictions.

Maliban dito, ang inventory accounts na nagkakahalaga sa P97 million ay maikokonsidera ring “doubtful at unreliable.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *