Coast Guard Zambales, tiniyak na hindi pagmumulan ng oil spill ang sumadsad na barge sa Botolan

Tiniyak ng Philippine Coast Guard na hindi pagmumulan ng oil spil ang sumadsad na barge sa dalampasigan ng Botolan, Zambales.

Ito ay kung tuluyang tumaob dahil sa malalaking alon pagkatapos ng ilang araw na naka-istambay sa baybayin.

Ayon kay PCG Botolan Sub-Station Commander Po3rd Mar Marasigan,hindi pinatatakbo ng makina ang barge kaya malabong kumalat sa dagat ang gasolinam o langis mula dito kahit pa lumubog ng tuluyan

Matatandaan, Biyernes ng hapon ng sumadsad sa lugar ang barge sakay ang anim na tripulante, lima ang nailigtas mula dito habang isa sa ang nahulog at natagpuang patay sa shoreline ng Iba, Zambales.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *