Coco levy farmers mass registration, patuloy na isinasagawa sa Albay

Patuloy ang isinasagawang pagpaparehistro ng Philippine Coconut Authority para sa Coco Levy Farmers mass registration, kung saan, sa kabuuan ay mayroon nang naitalang 7,901 active registrants ang Albay simula Disyembre 31, 2022.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Engr. Alvin Trespeses, Albay Provincial Philippine Coconut Authority (PCA) head, ang Pio Duran ang may pinakamataas na bilang ng nagparehistro na may 2,589 katao.

Aniya, ito ay dahil sa huling nagsumite ng “accomplishment registration” ang lugar, kung kaya direkta silang naipasok bilang bagong miyembro at hindi na naging subject for updating.

Dagdag pa nito, mahihirapan umano ang mga dating miyembro na maihanay sa bagong talaan ng coco levy farmers sapagkat kailangan muna nilang punan ang updated enrollment form na may kasamang iba pang documento tulad ng Photocopy ID at Proof of ownership upang mapabilang muli sa active list.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *