COCs at ERs para sa canvassing ng presidential at vice presidential posts nasa Kamara na

Nakarating na sa Kamara ngayong umaga ang mga ballot boxes na naglalaman ng certificates of canvass (COCs) at election returns (ERs) na gagamitin sa canvassing sa presidential at vice presidential posts.

Aabot sa labing-isang 6×6 trucks at dalawang armored personnel carriers ng Armed Forces of the Philippines ang nagbiyahe sa mga balota mula sa Senado.

Sa pinakahuling bilang, nasa 156 mula sa kabuoang 173 COCs o katumbas ng 90.17 percent ang naideliver sa senado.

Muling tatanggap ng natitira pang COC ang upper chamber bukas, May 24.

Nabatid na nakatakdang magconvene ang mga mambabatas ng Senado at Kamara sa isang joint session para simulan ang pagcanvass ng boto para sa presidential and vice presidential candidates sa ginanap na May 9 elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published.