Local News

COLLEGE DEAN SA ABRA, PATAY SA AKSIDENTE

Dead on arrival ang Dean ng Divine World College sa Bangued, Abra matapos bumaliktad ang sinasakyang bus sa bahagi ng Tarlac-Pangasinan – La Union Expressway.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, una rito ay kasama umano ng dean ang kaniyang dalawang clinical instructor at tatlumpung nursing students.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na pupunta ang nasabing mga pasahero sa Metro Manila para sa kanilang affiliation nang mangyari ang insidente.

Maliban sa mga estudyante ay sakay rin ng bus ang labinwalong iba pa na pasahero.

Habang binabagtas umano ng bus ang TPLEX ay nawalan ng kontrol ang drayber sa preno ng sasakyan na nagresulta ng pagbangga nito sa isang barrier at tuluyang bumaliktad.

Dahil dito, agad na idinala sa pagamutan ang mga biktima sugatan man o hindi upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito ngunit idineklarang dead on arrival ang college dean na kinilalang si Ulpiatrasinia Tuzon.

Isa rin sa mga clinical instructor ay nagtamo ng fracture habang ilan naman sa mga estudyante ay nasa stable na ang kalagayan at ang ilan ay patuloy na inoobserbahan ng pagamutan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya nan g PNP ang drayber ng bus habang patuloy naman ang negosasyon ng pamilya ng nasawi at bus company.

BNFM Cauayan

Recent Posts

Barangay, SK elections – gusto ulit ipagpaliban

Isinusulong ni Camarines Sur Second District Representative LRay Villafuerte ang isang panukalang batas na layong…

4 mins ago

Chinese warship at dalawang iba pang barko naispatan sa Balikatan sa Batanes

Naispatan ng PCG ang Chinese waship at dalawang barko mula Beijing sa kasagsagan ng bilateral…

17 mins ago

Japan at Sweden, makikiisa sa ikakasang civilian mission sa WPS

Lalahok ang ilang mga indibidwal at mga tauhan ng embahada ng Japan at Sweden sa…

34 mins ago

58th Olongapo Cityhood Celebration, isasagawa ng Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo

Magsasagawa ng iba’t – ibang aktibidad ang Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo. Ito ay para sa…

39 mins ago

PCG, target na bakuran ang Catanduanes

Target ng Philippine Coast Guard na magtayo ng base sa Catanduanes upang makatulong na palakasin…

48 mins ago

Lalaki – nang-holdap ng P55 sa bangko

Hinoldap ng isang lalaki ang isang bangko sa 300 South Main Street sa Salt Lake…

57 mins ago