Colombian superstar Shakira kinasuhan ng tax-fraud

Pormal nang kinasuhan ng tax fraud ang Colombian superstar na si Shakira kasunod ng kabiguan umano nitong magbayad ng 14.5 million euros o $14.31 million sa income taxes base sa inilabas na dokumento ng korte.

Matatandaan na tumanggi si Shakira sa settlement deal sa kanyang kaso noong July na nangangahulugan na handa nitong harapin ang paglilitis at posibleng makulong ng hanggang walong taon sakaling mapatunayang guilty.

Ayon sa Esplugues de Llobregat court, tuloy na ang paglilitis sa kaso ng 45 anyos na singer pero hindi pa nito inilalabas ang schedule.

Iginigiit ng Prosecutor ng kaso na dapat makulong si Shakira o Shakira Isabel Mebarak Ripoll sa totoong buhay dahil sa kabiguan nitong magbayad ng buwis sa pagitan ng 2012 at 2014.

Una nang tiniyak ni Shakira na lalabanan niya ang “false accusations” sa kanya ng Spanish authorities kasabay ng paggiit na nagbayad siya sa tax office nito bago pa man maisampa ang kaso laban sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *