Combat Incentive Pay at Combat Duty Pay ng mahigit 100K kuwalipikadong pulis para sa buwan ng Mayo, matatanggap ngayong araw

Matatanggap ngayong araw ng mahigit 100 libong kuwalipikadong pulis ang kanilang Combat Incentive Pay at Combat Duty Pay para sa buwan ng Mayo ngayong taon.

Base sa abiso mula sa PNP Finance Service, aabot sa 116, 329 na mga pulis ang makakatanggap ng kanilang CIP habang 165, 199 na mga pulis ang makakatanggap ng kanilang CDP.

Nabatid na nakakatanggap ng fixed rate na 3, 000 pesos na CDP ang mga kuwalipikadong pulis habang ang daily CIP naman ng mga ito ay 300 pesos.

Ang CIP ay dagdag na base pay para sa mga pulis na aktibo sa mga counter-insurgency operation, habang ang CDP naman ay special allowance para sa mga pulis na kabilang sa actual police operations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *