Hindi napigilan ng matalik na kaibigan ng stand-up comedian na si Richard Vargas Yuzon o mas kilala bilang Le Chazz ang maging emosyunal matapos mabasa ang iniwan nitong tula para sa kanya.
Ibinahagi ni AJ Tamiza ang natagpuang tula na nakasulat sa isang papel matapos makitang wala nang buhay sa kanyang bahay ang kanyang kaibigan.
Nakasaad dito ang mga katagang: “”AJ Tamiza, My bestfriend, Partners in crime. Sister from another mother. Ang taong di ako sinukuan, ang nakakakilala ng higit sa akin at nakakaintindi. Basta mahal na mahal ko ‘to.”
Sa isang tula na may pamagat na “Isang Mahabang Pasasalamat,” inilahad ni Le Chazz kung gaano ito kasaya at naging bahagi si AJ ng kanyang buhay.
Narito ang buod ng tula ni komedyante para kay AJ:

O Aking Kaibigan…
Ang iyong mukha ay tila puno ng kalungkutan…
Katulad ng madalas nating biruan at kulitan…
Ang ganyang mukha ay medyo mahapdi sa mata kung tititigan
O matalik kong kaibigan…
Maaari bang matanong ko lang?
Ang luha ba sa’yong mata’y ako ang dahilan?
Pasensya ka na kung ako na ay lumisan at unang nagpaalam
Subalit ‘wag kang mag-alala
Pagkat ang puso ko’y ay umalis na puno ng ligaya at kasiyahan
Ang buhay natin ay talagang ganyan…
May mauuna at maiiwan
Di ba’t sabi nga nila…
I-enjoy mo ng todo pagkat buhay ay maikli lamang
Ngunit gaano man kaiksi ang buhay na pinahiram
Ng Poong May-Kapal ay s’yang haba ng pasasalamat
Pagkat ang bawat yugto nito ay nakasama kita mahal kong Kaibigan
Kaya’t pahiran na ang luha at ikaw nama’y tumawa
