COMELEC albay, hindi na umano maglalabas ng anumang pahayag ukol sa diskwalipikasyon kay City Mayor Rosal

LEGAZPI CITY – Hindi na magpapalabas pa ng kahit na anong pahayag ang Commission on Elections (COMELEC) Albay sa mga napag-usapan patungkol sa diskwalipikasyon kay Legazpi City Mayor Geraldine Rosal.

Sa desisyon ng COMELEC en banc sa pa­ngunguna ni Chairman George Erwin Garcia, dini­diskwalipika ang nasabing alkalde at dinideklara na ang pangalawa sa nakakuha ng pinakamataas na boto noong nakaraang eleksyon na si AKB Cong. Atty. Alfredo Garbin, Jr., ang siyang papalit sa kanya sa posisyon.

Samantala, upang pormal na makapagsumite ng motion for certiorari para makakuha ng Temporary Restraining Order, nagtungo sa Manila ang alkalde kasama ang asawa nitong si dating gobernador Noel Rosal at ang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal.

Nagpahayag naman ng saloobin ang dating gobernador sa isang social media post at sinabing lalaban sila at hindi bibitaw, habang hinimok din nito ang publiko na suportahan sila para sa demokrasya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *