COMELEC Albay, nananawagang huwag nang paabutin pa hanggang alas singko ng hapon ang pagpaparehistro para sa barangay at SK election ngayong huling araw ng registration

Humihiling at nananawagan ang Commission on Elections (COMELEC) Albay sa lahat ng mga magpaparehistro para sa barangay at SK elections na ngayong huling araw ng registration ay huwag nang paabutin pa ng hanggang alas singko ng hapon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Ma. Aurea Bunao ng nasabing komisyon, inihayag niyang wala pa namang ibinababang anunsyo ang COMELEC central office na magkakaroon ng extension ang pagpaparehistro kung kaya’t hiling niya sa lahat na huwag nang magdadalawang-isip na pumunta na sa mga itinalagang sites upang magparehistro.

Kaninang bandang alas otso nang umaga, aniya, ay halos nagsisiksikan at napuno na ng mga aplikante ang mga registration sites sa iba’t ibang lugar sa lalawigan dahil nga huling araw na ito.

Dagdag pa niya, magdedeklara na ng cut-off pagsapit ng alas singko ng hapon, at ang mga aplikanteng nasa loob ng 30 parameters ang huling maa-accommodate para sa registration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *