Comelec, aminadong hindi sapat ang cash aid para sa mga biktima ng work-related violence

Tiniyak ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia ang financial assistance para sa mga pamilya ng mga empelyado na biktima ng work-related violence.

Sa gitna nito, aminado si Garcia na hindi ito sapat, sa halip ay para lang mabawasan ang bigat o pasanin ng mga biktima at ng kanilang mga pamilya.

Muling binigyang diin naman ng poll chief na ang insidente ay isang obligasyon pra sa kanya at sa iba pang miyembro ng en banc, na gawin kung anu ang maganda para makuha ang hustisya para sa mga biktima.

Sa huling, hinimok nito ang mga law enforcement agencies gaya ng Philippine National Police, na paigtingin ang kanilang hakbang para makamit ang hustisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *