Comelec at Smartmatic, inabsuwelto kaugnay sa umano’y paglabag sa data privacy noong 2022 polls

Inabsuwelto ng National Privacy Commission (NPC) ang Commission on Elections at ang Smartmatic Group of Companies ng umano’y paglabag sa Data Privacy Act (DPA) kaugnay sa umano’y paglabag sa election data noong 2022 national at local polls.

Ayon kay Comelec spokesperson Rex Laudiangco, ang kaso laban sa kanila ay ibinasura dahil sa kakulangan ng merito.

Sa kabila nito, nadiskubre naman ng NPC na si dating Smartmatic employee Ricardo Argana, certain Winston Steward, at iba pang unknown individuals ay lumabag sa Section 29 ng DPA.

Inatasan naman ang NPC na ipasa ang naturang desisyon sa Department of Justice at irekomenda ang prosecution kay Argana, Steward at iba.

Sa huli, binigyang diin ni Laudiangco na ang tagumpay sa transparency at integrity ng Comelec sa naturang kaso ay lalo lang nagpapatunay sa tagumpay ng May 9,2022 National and Local Elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *