COMELEC beniberipika pa ang ulat ng pangha-hacked sa server ng poll body

Iniimbestigahan na ng Comission on Elections kung may katotohanan ang napaulat na nagkaroon ng pangha-hacked sa server ng poll body.

Sa isang pahayag sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na bina-validate nila ngayon ang naturang report matapos itong maipublish sa isang pahayagan.

Nabatid na isang news article sa Manila Bulletin hayagan nitong sinabi na nagkaroon ng breach sa servers ng Comelec at nakuha ng mga hackers ang ilang mahahalagang files katulad ng usernames at PINS of vote-counting machines (VCM).

Kwenestiyon naman ni Jimenez ang impormasyon sa naturang artikulo dahil imposible umanong makuha ang naturang mga files gayung ginagawa pa lamang ito.

Nagbabala naman ang opisyal sa mga ganitong uri ng balita na posible umanong makasira sa kredibilidad at integredad ng darating na halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *