Comelec Bicol nilinaw ang patungkol sa campaighn guidelines ng pagkokndukta ng house to house campaighn sa rehiyon

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) Bicol tungkol sa campaign guidelines ng mga lokal na kandidato at ang kanilang mga Partidong politikal sa rehiyon Bicol na magsagawa ng House to House Campaign.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Comelec Regional Director Atty. Raffy Olaño, kapag ang lugar ay nasa Alert level 1 and 2 kailangan pa rin sundin ang pamantayan na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH) tulad ng pagsusuot ng face mask at pag obserba ng social distancing sa pagsasagawa ng pangangampanya sa rehiyon.

Aniya, hindi linilimitahan ang mga taong na pwedeng sumama tulad na supporters o lahat na Partido sa pangangampanya, ngunit kailangan pa rin sundin ang inilabas na safety guidelines ng nasabing tanggapan upang maiwasan ang magkahawaan lalo nasa gitna pa rin tayo ng pandemniya.

Nilinaw din ni Olaño na hindi na requirement ang paggamit na Face Shield sa pangangampanya.

Dagdag pa nito, hindi na nila kailangan pang kumuha ng permiso mula sa lokal na pamahalaan o sa barangay tungkol sa house to house campaign, ngunit nakapende parin sa alituntunin ng mga barangay at local government unit (LGU).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *