Comelec, bukas na pag-aralan ang panukalang pagpapaliban ng Barangay, SK polls sa Negros Oriental

Bukas ang Commission on Elections na pag-aralan ang panukalang ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Negros Oriental.

Sa isang pahayag, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na may kapangyarihan ang poll body na ipagpaliban ang halalan sa isang lugar.

Batay sa Omnibus Election Code, ang poll body, alinman sa pamamagitan ng motu proprio o isang verified petition ng sinumang interesadong partido, ay maaaring ipagpaliban ang halalan sa anumang political subdivision.

Matatandaang iminungkahi ni Senator Francis Tolentino na ipagpaliban na muna ang barangay at SK elcetions sa Negros Oriental sa gitna ng peace and order situation sa naturang probinsya.   

Nababahala kasi ang senador na ang kasalukuyang political situation sa Negros Oriental ay maaaring magresulta sa mas matinding kaguluhan, lalo na kung matutuloy ang halalan sa Oktubre.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *