NAGA CITY- All set na ang Commission on Elections (COMELEC) Camarines Sur para sa gagawing nationwide simultaneous Operation Baklas ngayong araw Oct. 20 at masusundan ito sa Oct. 27, 2023 kaugnay ng Barangay at Sanguniang Kabataan Elections.
Sa operasyon, aalisin o babaklasin ang mga campaign materials na wala sa common poster area o sa mga lugar na ipinagbabawal ng COMELEC , nakaangkla ito sa Office of the Deputy Executive Director for Operations memorandum.
Pero sa panayam ng Brigada News FM Naga kay COMELEC Camarines Sur Spokesperson Renne Raches, sa inisyal nilang monitoring kahapon, wala pa namang mga paglabag. Hindi pa masigurado kung maraming masasamplelan.
Naniniwala ang tanggapan na tumatak sa isip ng mga kandidato ang mga sinabi sa kanila sa seminars.
Samantala, nakaalalay sa seguridad ang Camarines Sur PNP , kasama rin ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) , Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba ilan pa.