COMELEC Cauayan City, hiniling ang disiplina sa mga botante sa oras ng botohan

Hiningi ng COMELEC Cauayan City ang disiplina ng mga pupunta sa presinto at boboto sa darating na halalan sa May 9, 2022.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Atty. Jerbee Cortez, Election Officer at Assistant Regional Director ng COMELEC Region 2, sinabi niya walang contingency plan na nainilatag sakaling magkaroon ng mahabang pila sa unang oras ng botohan.

Hindi naman aniya maaaring pagbawalan ang mga taong bumoto at magkasiksikan kaya hingi ang kooperasyon ng mga itong masunod ang health protocols.

Ipinaalala nito na kailangang isuot ang facemask habang nasa loob ng polling precinct at magdala ng sariling ballpen na gagamitin sa pagboto.

Bago naman makapasok sa presinto ay kukunin muna ang kanilang body temperature at kung aabot sa 37.5 dregree Celsius ay pansamantalang dadalhin sa isolation facility pagkatapos bumababa ang kanilang temperature ay papayagan nang makaboto.

Habang tiniyak din naman nito na makakaboto pa rin kahit ang mga positibo sa COVID-19 basta alinsunod pa rin sa mga panuntunan na inilatag ng DOH.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *