Comelec en banc, kinatigan ang pagbabasura sa disqualification case laban kay Marcos Jr.

Kinatigan ng Commission on Elections (Comelec) ang desisyon ng kanilang first division na nagbabasura sa petisyon na idiskwalipika si President Ferdinand Marcos Jr. mula sa 2022 national elections.

Ito matapos ilabas ang 15 pahinang  resolusyon, kung saan sinabi ng en banc na ibinasura nila ang motion for reconsideration na inihain laban sa desisyon ng first division.

Nabatid na sa kanilang mosyon, ipinunto ng mga petitioners, na ang hindi sapat ang basehan at naging dahilan ng first division sa kanilang desisyon, para ma-justify na ang naturang resolusyon ay taliwas sa batas.

Paliwang naman ng en banc, na walang bagong issue sa inihaing reconsideration na magkukumbinse para ikonsidera ang mosyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *