Ia-anunsyo na sa Lunes ng Commission on Election o COMELEC kung matutuloy o hindi ang Barangay and Sanggunian Kabataan Election sa Negros Oriental.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, ilalatag nila ang mga planong gawin ng poll body sa probinsiya.

Samantala, tuloy na tuloy naman ang gagawing special election sa binakanteng posisyon ni Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo Teves Jr. na mangyayari sa December 9.
Nauna nang itinakda ng COMELEC sa November 8 at 9 ang election period habang ang filing ng COC ay itinakda sa Nov 6 hanggang sa Nov 8.
Samantalang ang campaign period ay magsisimula sa November 9 hanggang sa December 7.
Manual election ang gagawin dahil wala na umanong panahon ang poll body kung mag-iimprenta pa ng mga balota.